(DA pinaaaksiyon) PRESYO NG FERTILIZER TULOY SA PAGTAAS

NAGPAPASAKLOLO na ang mga grupo at kooperatiba ng mga magsasaka sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizer.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang problemang ito ay dapat aksiyunan ng Department of Agriculture ( DA).

Sinabi ni Zubiri na mababa na ang benta ng produkto ng mga magsasaka, mahal ang fertilizer at halos wala pang suporta na natatanggap sa gobyerno.

Bukod dito ay hindi pa rin, aniya, nakaka-recover ang mga magsasaka mula sa malaking lugi dahil sa pandemya.

Dagdag pa niya, makaaapekto ito sa pagiging self- sufficient ng produksiyon ng agricultural products na sa bandang huli ay posibleng sa importasyon na naman umasa ang bansa.    DWIZ 882

5 thoughts on “(DA pinaaaksiyon) PRESYO NG FERTILIZER TULOY SA PAGTAAS”

Comments are closed.