DA PINAG-AARALAN NA ANG MGA ESTRATEHIYA VS KRISIS SA SUPLAY NG GULAY

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga paraan at iba ibang estratehiya  upang matugunan ang idinulot na krisis sa  agricultural commodities tulad ng gulay na kinakailangang suplay  ng bansa bunga ng pananalasa sa lokal na agrikultura ng sunod sunod na malalakas na bagyo sa Pilipinas matapos  umabot na sa halos P10 bilyon ang pinsala rito.

“So the priority is to get the vegetables from other vegetable producing areas and regions if that would be enough to temper the crisis,” sabi ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa sa panayam ng media.

“So, hindi na kailangan mag import. But if there is a necessity to import we will do that,” dagdag pa ni de Mesa.

Pinag- aaralan na rin ng DA ang pag -aangkat ng gulay mula sa ibang bansa matapos ang mga kalamidad na nagpadapa sa industriya ng agrkutural ng bansa bunsod ng magkakasunod na bagyo.

“Ipinag utos din ni Secretary (Francisco Tiu Laurel Jr.) sa BPI (Bureau of Plant Industry ) at iba pang ahensya na tingnan. Kasi nga persistent na mataas ang presyo ng gulay, both high land and low land vegetables. So kailangan ding pag aralan  kung ang BPI and High Value were tasked to check on the volume, the supply, and the prices, and recommend to the Secretary within the week  ang possible strategies. One is to check the supplies from other regions.And second is the possible importation ng mga ito,” sabi ni de Mesa.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia