KINILALA ng Department of Agriculture (DA) ang kontribusyon ng mga indibiduwal at mga grupo sa Cordillera para sa kanilang pagsisikap to mabago ang industriya ng agrikultura sa kanilang rehiyon.
Sa ginanap na regional “Gawad Saka” awards kamakailan na pinangunahan ni DA Assistant Secrerary for Agribusiness Andrew Villacorta, kinilala ng kagawaran ang individual farmers, fisherfolk, ganundin ang mga grupo, na gumawa ng significant contributions para sa pagsasaayos ng agrikultura at ng fishery sector sa rehiyon.
Sinabi ni Villacorta na “their efforts have helped improve the lives of the farmers and fisherfolks.”
Nanguna sa “Gawad Saka” awardees sina Honorio Clemencia na “Outstanding Rice Farmer” para sa kanyang adaption ng integrated rice-based farming system; Rogel Marsan bilang “Outstanding Organic Agriculture farmer”; at Romeo Kimbungan para sa “Outstanding Agricultural Entrepreneur”.
Nanalo si Renier Bilan ng “Outstanding Fisherfolk” award; Saint Williams Multi-Purpose Cooperative for “Outstanding Small Farmer Fisherfolk Organization” at ang Bantay Rural Improvement Club for “Outstanding Rural Improvement Club”.
Pinarangalan ang Bauko Municipal Agricultural and Fishery Council para sa “Outstanding Municipal/City Agricultural and Fishery Councils” at ang Mountain Province Provincial Agricultural and Fishery Council for “Outstanding Provincial Agricultural and Fishery Council”.
Sinabi ni Villacorta na ang “Gawad Saka” award ay ibinibigay taon-taon para sa pagkilala ng gobyerno sa agricultural achievements and contributions para makamit ang food sufficiency.
Bawat awardee ay tumanggap ng tropeo, PHP50,000 cash prize, at ang pagkakataon na makasali at makilala sa national search.
Binigyang-diin ni Villacorta ang importansiya ng mga magsasaka sa Cordillera para pangkalahatang produksiyon ng bansa.
Sinabi niya na ang Cordillera ay may malaking kontribusyon sa agrikultura, na nakakaprodyus ng 80 porsiyento ng gulay na kinakailangan ng bansa.
“Hindi matatawaran ang kontribusyon ng Cordillera sa produksyon ng gulay sa buong bansa, even sa organic farming, nangunguna ang region na ito, kaya kailangan talagang mabigyan ng malaking tulong ang Cordillera,” sabi nya.
Pinuri rin niya ang mga nagsasaka ng bigas sa rehiyon, sabay sabing sa 150,000 metriko tonelada ng bigas, nakakapagprodyus sila ng 450,000 metric tons.
“Almost tumaas ng thrice ‘yung production nila mainly in Kalinga, Apayao at sa Abra, Napakalaking achievement ‘yon kasi nag-contribute sila sa national record breaking performance ng rice production sa buong bansa kaya tayo umabot ng 19.3 million metric tons, yun ang highest so far,” dagdag pa niya.
“Agriculture and Agri-fishery are more than just sowing seeds or going out to the sea and to culture fish, it is a science, a business, an advocacy, a passion and a gift,” pahayag pa niya sa pagbibigay ng karangalan ng DA sa achievers in Cordillera.
Comments are closed.