CAGAYAN – MAGPUPULONG ang mga director ng Department of Agriculture Region-2-3 at Cordillera Administration Region ngayong araw, Pebrero 24 sa Tuguegarao City laban sa patuloy na lumalaganap na African Swine Fever (ASF) sa mga nasabing probinsiya, na pangungunahan ni Executive Director DA Region-2 Narciso Edillo ang nasabing pagpupulong.
Ayon kay Edillo ng DA Region-2 na inimbitahan niya ang mga opisyal ng DA Region 3 at CAR para magsagawa sila ng zoning ng kani-kanilang boundaries para sa uniform na mga hakbang laban sa ASF.
Layunin ng malawakang pagpupulong ay upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng ASF kung saan nagpositibo ang siyam na bayan sa lalawigan ng Isabela na epektado na ng Virus.
Gayunman, nilinaw ni DA director Edillo na sa mga nasabing bayan, hindi nangangahulugan na lahat ng mga barangay na nakapaloob sa mga ito ay apektado na ng ASF.
Kaugnay nito, hihilingin ni Edillo kay Isabela Governor Rodito Albano na magdeklara ng state of emergency sa Isabela, upang hindi na lumawak ang mga maaapektuhan ng ASF.
Kailangan na umano na magpasa ng ordinansa ang mga Local Government Units sa boong rehiyong dos laban sa ASF upang matiyak na hindi lalawak pa ang mga lugar na apektado ng nasabing virus, at maglatag na ng mga check point sa kanilang mga nasasakupan. IRENE GONZALES
Comments are closed.