PINAALALAHANAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga nasa backyard hog raising na doblehin ang preventive measures na kanilang isinasagawa upang matiyak na makaiiwas sa anumang nagbabadyang nakakahawang sakit ang mga alagang hayop.
Ayon sa DA, nasa 70 porsiyento ng mga nag-aalaga ng baboy sa Bicol ang backyard hog raisers.
Sa pahayag ni DA Bicol spokesperson Emily Bordado, pinaka-vulnerable ang mga baboy na ito na kulang sa bio-safety kung ihahambing sa commercial hog raisers.
Dapat aniyang mas maging maingat ang may-ari ng babuyan sa pag-oobserba at pagmomonitor sa mga sintomas ng sakit ng baboy.
Nag-abiso pa rin ang DA sa mga nag-aalaga nang mahigpit na kampanya sa BABES o Ban Pork Imports sa mga may kompirmadong kaso; Avoid swill feeding; Block entry sa international ports; Educate sa mga tao at Submit samples para sa pagsusuri.
Samantala, hiling naman nito ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa movement ng mga live hogs at processed meat products na agad i-report ang kahina-hinalang pagkamatay ng mga alagaing baboy. BENEDICT ABAYGAR, JR.