DA SA MGA KRITIKO: BIGYAN NG TSANSA ANG RICE TARIFFICATION LAW

BIGAS-13

PANSAMANTALANG pagsubok lamang ang nararanasang kalbaryo ng mga magsasaka sa pagsadsad ng presyo ng kanilang palay dahil sa rice tariffication law, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“I have always mentioned my position: give the law a chance to be implemented properly after some time, if there will be some little adjustment to make it much more effective, then that’s the time when it will be revisited,” ani Agriculture Secretary William Dar.

Base kasi sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa P15.49 kada kilo ang presyo ng palay sa 3rd quarter ng taon, mas mababa nang 26 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong 2018.

Kung umaaray ang mga magsasaka, dumepensa naman ang DA na nakakolekta na ang gobyerno ng buwis na aabot sa P11.44 bilyon dahil sa rice tariffication law.

Sa nakolektang pera kukunin ng gobyerno ang ipangtutulong sa mga magsasaka, gaya ng pamimigay ng binhi at pagsasanay.

Dahil dito, walang nakikitang dahilan ang Department of Finance (DOF) para ipatigil ang pagpapatupad ng batas.

“We are confident that these transition challenges are temporary. Nevertheless the government is responding to that with decisiveness. There is no inclination to repeal, revise or suspend the law. We are confident that this is the best move,” ani Finance Secretary Sonny Dominguez.

Ayon pa kay Dominguez, kailangan maipaabot ang unconditional cash transfer sa mga apektadong mga magsasaka, palawigin ang pagpapautang, at paigtingin ang laban ng gobyerno sa mga smuggler ng bigas.

Comments are closed.