INAALAM ng Department of Agriculture (DA) kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng itlog.
Lumalabas sa price monitoring ng DA na umaabot na ngayon sa P7 hanggang P9 ang halaga ng kada piraso ng itlog mula sa dating P6 lamang.
Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, upang madetermina kung magtutuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng itlog ay kailangang silipin ang cost of production.
Ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA), nagkaroon ng pagbaba ang produksiyon ng itlog sa bansa dahil sa pagsipa ng halaga ng operating expenses ng mga breeder.
Bunsod nito, inihayag ni Evangelista na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil dito upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng itlog sa bansa.
DWIZ 882