NANAWAGAN si Agriculture Secretary Emmanuel F. Pinol at ang sugar planters sa Senado na huwag bawasan ang pondo ng Sugar Industry Development Act (SIDA) sa susunod na taon ng 75 percent sa P500 million mula sa P2 billion ngayong taon.
Kinumpirma ni Piñol na ang SIDA fund ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay tatapyasan ng three-fourths dahil sa underspending.
Ang SRA ay isang attached government-owned and controlled corporation ng Department of Agriculture (DA).
“I am appealing that the SRA be given a chance to retain the P2 billion [funding],” wika ni Piñol.
“We are already addressing [the issue],” dagdag pa niya.
Ibinunyag ni Sen. Cynthia A. Villar sa mga sugar planter sa kanyang pagbisita sa San Carlos City, Negros Occidental noong Lunes na ang SIDA fund ay babawasan ng 75 percent.
Ayon kay Piñol, isa sa mga problema ng SRA ay ang pagpapatupad ng Buysocialized loans nito dahil ang mga magsasaka ay nahihirapang makatugon sa requirements na kinakailangan upang maka-avail ng credit portfolio.
Bukod dito, ang SRA ay may problema rin, aniya, sa farm machineries program nito.
“We are addressing that in fact the bidding of the SRA’s farm machineries will be conducted by the DA Central Office. I do not know if they are afraid to bid out but I told them to give it to a more experienced office,” anang kalihim.
Hiniling ng Confederation of Sugar Producers (Confed) sa mga mambabatas na bawiin ang SIDA fund cut ay ibalik ito sa orihinal na P2 billion na itinatakda ng batas.
Sinabi ni Confed Chairman Nicholas Ledesma na hindi nagamit lahat ng SRA ang SIDA funds na nakalaan para sa socialized credit dahil sa mahigpit na proseso sa pag-avail ng credit fund ng maliliit na magsasaka.
“With the recent abolition of PhilSucor (Philippine Sugar Corporation), we are pressed to appeal that socialized credit availability must be made more simpler for small farmers and agraian reform beneficiaries that comprise almost 90 percent of sugar producers and for whom the SIDA law was intended to make the sugar industry more competitive,” dagdag pa ni Ledesma.
JASPER ARCALAS
Comments are closed.