TINATARGET ng Department of Agriculture (DA) ang 100,000 ektarya para gawing taniman ng sorghum, karamihan sa lugar ay ancestral domain ng Indigenous People (IPs) para masuportahan ang rural hog and poultry raisers.
Sinabi ni DA Secretary Emmanuel Piñol na isang village-level feed mill ang itatayo rin ng mga magsasaka para makapag-produce ng kanilang sariling feeds sa mas mababang halaga.
Sinabi rin ni Piñol na sa pamamagitan ng pagtatayo ng “the village-level feed mills,” ang organisadong rural hog at poultry raisers ay puwedeng makinabang sa pautang ng DA mula sa DA Agriculture and Fisheries Machinery and Equipment Loaning program.
Isang grupo ng hog raisers sa Davao ang unang nag-apply ng loan para sa feed mills na ibibigay ng may 2% interest bawat taon na babayaran sa loob ng walong taon. Sinimulan ng DA ang unang Sorghum Pilot Farm sa San Vicente, Makilala, North Cotabato.
“Yesterday (Dec. 25), on the way to a Christmas Day visit of my mother, Efigenia, who is suffering from Alzheimer’s, I dropped by the DA Sorghum Demonstration Farm in San Vicente. What I saw really impressed and inspired me. At one month and one week, the Sorghums were growing vigorously and in about a week, the panicles are expected to show followed by the flowering stage,” pahayag ni Piñol sa kanyang Facebook page.
Sa katapusan ng Pebrero sa sunod na taon, sabi niya, “the six-hectare Pilot Farm could be harvested and judging from the physical appearance of the plants, I project a very good harvest.”
Dahil mababa ang produksiyon ng mais na dahilan para ito ay magmahal at mapilitan ang feed millers na mag-angkat ng feed wheat, ipinakilala ng DA ang sorghum sa iba’t ibang rehiyon sa bansa habang gumagawa ng bagong pagkukunan ng butil para sa lumalagong livestock at poultry industry.
Mataas ng protein content ng sorghum kaysa sa mais at madaling mabuhay sa marginal areas na hindi nangangailangan ng maraming tubig at ulan. Sa isang anihan. Puwedeng makapag-ani ang isang magsasaka ng sorghum sa kanyang anihan ng tatlong beses dahil sa ratooning, at makamumura pa para makapag-produce nito.
Sinabi ni Piñol na 100,000 ektarya na target para sa sorghum planting sa susunod na taon ay sa tulong ng DA Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program, na binuo para makinabang ang mar-ginalized sectors sa agriculture at fisheries sector.
Base sa initial production results, ang 100,000-hectare na lugar ay makakapag-produce ng at least 2-million metric tons (MMT) ng Sorghum grains para sa feeds at nasa 8-MMT of silage materials para sa cattle and small ruminants. Sa mababang halaga ng feeds, sinabi ng DA chief na ang local hog at poultry raisers ay inaasahang makikipagkompetensiya sa pagpasok sa merkado. PNA
Comments are closed.