NAGTALAGA ng bagong Officer-in-Charge (OIC) si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa binuo nitong team na susugpo sa suliranin ng Pilipinas sa smuggled na mga produkto ng mga agrikultura na nagpapahina sa sektor na ito ng bansa.
Itinalaga ni Tiu Laurel si Carlos Carag bilang ng Office of the Assistant Secretary for DA Inspectorate and Enforcement bilang OIC ng sinabing binuong team kontra sa smuggling sa kanyang inilabas na special order nitong Linggo.
Ayon kay Tiu Laurel,si Carag ay mamumuno sa grupo na magsagawa ng intelligence operations sa mga iniuulat na illegal activities sa agrikultura na lumalabag sa regulatory policies sa agricultural anti-smuggling law na nakakasama sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim na inaatasan din niya ang team ni Carag na makikipag ugnayan sa Bureau of Customs upang masawata ang agricultural smuggling.
Si Carag din ang nakatalaga bilang representante ng DA sa mga inter-agency committees, task force,at iba pang grupo na may kinalaman sa pakikibaka sa agricultural smuggling at isagawa ang iba pang bagay na may kinalaman sa suliraning ito.
Kabilang sa responsibilidad ni Carag ay ang document tracking at monitoring upang makatiyak na walang lalabag sa labis na pagkita o profiteering at price manipulation ng mga locally produced at imported commodities.
Pinahihintulutan din aniya ni Laurel si Carag na mag-imbestiga sa mga alegasyon ng unethical o illicit na aktibidad ng mga kawani at mga opisyal ng DA, kabilang na rito ang mga kaso ng graft and corruption, di tamang paggamit ng mga kagamitan ng mga tanggapan at iba pang resources na posibleng ginagamit sa pansariling gamit, private enterprize, o pagkakaroon ng ghost employees.
Kabilang sa responsibilidad ni Carag ang magsagawa ng imbentaryo sa mga supplies at pakikipag- ugnayan sa mga division ng kagawaran na may kinalaman hinggil sa mga bagay na ito.Si Carag ay inaasahan ding magmonitor sa mga estado ng mga programa a proyekto ng kagawaran.
“All officials and employees of the department, including its bureaus, attached agencies and corporations, and DA-regional field offices are hereby advised of this designation and directed to give their full support and cooperation to OIC Carag in the performance of his duties and responsibilities,” nakasaad sa memorandum ni Tiu-Laurel.
Nitong nakaraang Pebrero naman ay bumuo ng technical working group (TWG) si Tiu-Laurel upang asistehan ang mga mambabatas sa pag-aamyenda ng Anti-Smuggling Act of 2016.
Ang House of Representatives at Senate ay may magkaiba pang version ng mga panukalang batas sa agricultural smuggling at economic sabotage na parehong naglalayon na maaaring makulong ng habang buhay ang mga lalabag pag naisabatas na ang mga ito.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia