DA TINIYAK ANG P315M PARA SA MGA PROYEKTONG  PANG-AGRIKULTURA SA ALBAY

Joey Sarte Salceda

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang suportang pondo para matapos agad ang apat na proyektong pang-Agrikultura sa Albay na nagkakahalaga ng P315 milyon sa ilalim ng ‘Intensified Buil­ding Up of Infrastructure and Logistics for Development (I-BUILD) program’ nito.

Pinasalamatan at pinuri ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang DA sa suporta nito sa mga proyekto sa Legazpi City at mga bayan ng Manito, Camalig at Daraga na pawang nasa loob ng distrito niya. Panukala ang mga proyekto ng mga naturang LGU na inindorso naman siya at hinanapan ng pondo.

Kasama sa mga proyekto ang P35.6-mil­yong ‘Level 2 Water System’ para sa mga bukid sa Manito, ang P75-milyong ‘trading post’ sa Camalig, ang P55-milyong ‘AA slaughterhouse’ o katayan sa Daraga, at ang P150-milyong pagpapalaki ng ganoon ding katayan sa Legazpi na itataas sa ka­tegoryang ‘AAA,’ ang pi­na­kamataas na antas ng ganong pasilidad sa bansa dahil sa ‘biosafety features’ at kakayanan nito.

“Kinakatawan ng mga proyektong ito ang magkaka-ibang sektor ng ‘value chain’ ng agrikultura. Mahahalagang pamumuhunan din ang mga katayan dahil kailangan ang ‘biosafety improvements’ nila lalo na dahil sa bantang panganib na dulot ng African Swine Fever,” ayon kay Salceda.

Pinuri rin niya ang DA dahil sa pagtutok nito sa modernisasyon ng agrikultura na magiging dahilan upang mapalaki ng mga magsasaka ang kanilang produksiyon at lalo silang kumita. “Ito ang daan tu­ngo sa pagsulong ng sektor na ito,” dagdag niya.

“Nagpapasalamat kami na ginawang laboratoryo ang Albay ng DA sa mga programa at panuntunan nito. Ang ‘Edible Landscaping sa Barangay Project (ELBP)’ nito sa   aking distrito ay itinuturing na pinakamatagumpay na estratehiya sa pagpapataas ng ani sa buong bansa,” paliwanag niya.

Ayon kay Salceda, ginawang prayoridad na lugar din ng DA ang Albay sa pagtatanim ng palay sa ilalim ng ‘Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)’ nito. Bukod dito, tiniyak  din ni DA Secretary William Dar ang suporta niya sa muling pagpapalago sa industriya ng pagbababuyan at ba­langkas ng ‘protein substitution’ sa lalawigan.

“Matutulungan nitong maging stable ang presyo ng mga pagkain sa Albay, lalo na dahil sa napakataas na ang mga presyo nito sa buong Bikol gaya ng isinasaad sa mga ulat at datus ng Philippine Statistics Authority sa nakaraang dalawang buwan,” paliwanag niya.

Binigyang diin ni Salceda na sa panahon ng kawalang kita, ang pinakahuling gugustuhin ng mga tao ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain at kawalang suplay nito, kaya taos pusong nagpapasalamat kami sa DA sa pagtulong nitong maibsan ang gutom sa saklaw ng aking distrito.

7 thoughts on “DA TINIYAK ANG P315M PARA SA MGA PROYEKTONG  PANG-AGRIKULTURA SA ALBAY”

  1. 844827 153991Aw, this became an extremely good post. In idea I would like to set up writing like that moreover – taking time and actual effort to create a fantastic article but what / issues I say I procrastinate alot by means of no indicates appear to get something completed. 819977

Comments are closed.