DA TO CRACK DOWN ON RICE ‘BRANDING’, PRICE VIOLATORS

Agriculture Sec Manny Piñol

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na tugisin ang mga retailer na nagbebenta ng sobra sa suggested retail prices (SRP).

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na magmo-monitor ang National Food Authority (NFA)  sa merkado para sa mga nagbebenta at gustong kumita ng malaki sa pagbebenta sa bigas gamit ang mga pangalan o label ng bigas.

“The NFA will exercise its full powers of regulation and supervision of the rice trading industry and NFA was directed to cancel the permits of those who will violate. We will have to crack the whip,” pahayag ng hepe ng Agriculture.

Ayon sa DA, ang rice retailers ay mayroon pang hanggang katapusan ng buwan para ubusin ang kanilang supply sa kasalukuyan bago magsimula ang pagtugis sa mga lumalabag sa presyo.

Ang presyo ng bigas ay malamang na bumaba sa susunod na buwan dahil sa pagdating ng dag­dag na angkat at simula na ang panahon ng pag-aani.

Nagsimula nang bumaba ng P1 ang pres­yo ng bigas sa ibang palengke kahapon.

“Wholesale market, ang laki ng binaba ng pres­yo ng bigas,” paliwa­nag ni Joji Co ng Philippine Confederation of Grains Association. “Bumaba na rin ang presyo ng palay dahil sa papasok na ani. Kung titingnan mo sa retail, ‘di pa gumagalaw eh. ‘Di pa gumagalaw. So maganda siguro mayroong SRP para masunod naman ang lahat.”

Samantala, may grupo ng retailers ang nagsabi na ang kasalukuyang SRP ay mag-iiwan sa mga magsasaka ng maliit na bahagi.

“Mahirap ang SRP to implement dahil sa farm pa lang, may presyuhan depende sa variety. Ang SRP dito, nagiging matumal tuloy ito sa industriya ng bigas dahil ang producers, ang farmers baka maapektuhan ng sobra,” pahayag ni James Magbanua ng Grains Retailers Confederation of the Philippines.

Gumagawa ang gobyerno ng pagtatalaga ng presyo ng commercial rice sa P38 hanggang P55 kada kilo, na mag-iiba pa rin depende sa klase ng bigas.

Comments are closed.