INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office-6 na makaaabot sila sa kanilang produksiyon ng bigas sa kanilang target na limang metriko tonelada bawat ektarya para sa taong 2019 sa kabila ng mga natural na kalamidad sa Western Visayas.
“With the rainy season prevailing now, although the planting was delayed, we hope to make it up this year by the provision of high-yielding varieties,” pahayag ni DA-6 Regional Director Remelyn Recoter, na dumalo sa tatlong araw na 5th Farm Home Ex-tensionists Association of the Philippines National Congress sa Nature’s Village Resort sa Talisay City, Negros Occidental.
Ayon sa opisyal ng DA, dahil sa nakadepende ang sektor ng agrikultura sa klima ng panahon, may ilang mga magsasaka na hindi nakapagtanim dulot ng mahabang panahon ng tagtuyot sa unang kalahati ng taon na nagresulta sa pagkabawas ng mga lugar na tataniman.
“It will most likely spill over to next year,” ani Recoter.
Nagdala ng pagkalugi sa produksiyon ng agrikultura ang El Niño phenomenon ng halos PHP1 bilyong halaga sa rehiyon. Ang karamihang naapektuhan ay ang mga magsasaka ng bigas sa probinsiya ng Iloilo.
Dahil ang pananim ay nangangailangan ng tubig, ang sektor ng bigas ay nagiging mabuway sa epekto ng El Niño.
Sa Western Visayas, sa 300,000 ektarya ng bigas sa rice production areas, 180,000 ektarya ang nakadepende pa rin sa ulan. Ito ay nangangahulugan na 40 porsiyento ng rice farms ay irrigated habang ang 60 porsiyento ay rain-fed.
Sa pahayag ni Recoter, gusto ng DA na ang mga lugar na ito ay magkaroon ng patubig kahit sa small-scale irrigation projects, at umaasa sa National Irrigation Administration na magkaroon ng communal o national irrigation system.
“We’re now at four metric tons per hectare. We hope to increase by five metric tons through high-yielding varieties,” aniya.
Dagdag pa ni Recoter sa simula ng panahon ng tag-ulan, ang pagtatanim ng palay sa rehiyon ay magiging 100 porsiyento na pagdating ng Agosto.
“By October and November, we hope there’s an additional one metric ton per hectare yield if there will be no major calamities like typhoons,” ayon pa sa DA official. PNA