POSITIBO si Agriculture Secretary William Dar na magtutuloy-tuloy na ang pagiging stable ng suplay ng bigas sa mga imbentaryo sa bansa.
Ayon sa Kalihim, inaasahan umano nila na baka bumaba na ang antas ng pag-i-import ng bigas ng Filipinas.
Kaalinsabay naman nito ay ang pagiging produktibo ng ating mga lokal na magsasaka sa ilalim ng ilang mga programa ng go-byerno.
Kung matatandaan, umabot sa 3 milyong metriko tonelada ng bigas ang inangkat ng Filipinas ngayong taon.
Dahil dito ay labis na bumaba ang presyo ng palay ng mga lokal na magsasaka.
Comments are closed.