SA PORMAL na paglilipat ng Manila International Airport Authority sa pamamahala sa maintenance operation at rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ay hindi maiiwasan na may mga manggagawang maapektuhan dito.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, ilan sa mga department offices ay maaring maapektuhan o mabuwag.
Batay sa napagkasunduan ng dalawang panig ay 429 sa 1,200 organic employees ang maaring ma-accommodate at ang iba ay makatatanggap ng Separation Incentive Pay (SIP) mula sa MIAA.
Habang ang mga contractual employees ng MIAA ay ina-commodate ng NNIC, kabilang na rito ang mga security guard, building attendants at iba pa.
Kasama sa proyekto o iimprovements ay ang pagpapaganda ng taxiway, runway lights, dagdag na immigration counters sa NAIA Terminal 3 at ang waterproofing sa NAIA Terminal 2 ay ipagpapatuloy ng MIAA hanggang matapos ang mga ito.
Matapos ang turn-over, ang MIAA ay magsisilbing monitoring, kung saan babantayan ang galaw ng NNIC para malaman kung sumusunod sa napagkasunduan sa kontrata.
Ayon naman kay incoming NNIC general manager Angelito Alvarez “business as usual” at unti unti lang naman ang gagawing rehabilitasyon.
Froilan Morallos