Tinatayang 500 mga mag-aaral ng Day Care ang napagkalooban ng Philippine Xiamen Amity Association at Philippine Xiamen Chamber of Commerce ng pamaskong handog kahapon sa Taytay, Rizal.
Sa pangunguna ng presidente ng grupo na si Mr. Jeik Huang at mga opisyal ng asosasyon katuwang si Taytay Mayor Allan Martine S. De Leon, ipinamahagi ang mga regalong bigas at pagkain sa mga batang estudyante.
Ayon sa kay Mr. Huang, masaya ang Philippine Xiamen Amity Association sa pakikipagtulungan sa Taytay City Hall upang isagawa ang special event para sa mga mag-aaral.
“On behalf of all our colleagues in the Philippines Xiamen Amity Association, I would like to express my sincerely greetings to you!
Since the establishment of the Philippine Xiamen Amity Association and the Philippine Xiamen Chamber of Commerce, with the joint efforts of the leaders of the previous two terms and all the directors and supervisors, the conference affairs have been thriving, expanding diplomatic alliance activities abroad, and carrying out beneficial conference affairs work internally. At present, to meet the requirements and needs today, we are actively committed to promoting friendly conversations and economic and cultural exchanges between the people of the Philippines and China, and at the same time enthusiastically support the education and social welfare undertakings of both countries for the foreseeable future,” pahayag ni Mr. Huang.
Higit pa rito, nilalayon nilang pangunahan ang lahat ng mga direktor, superbisor at miyembro na makiisa sa lokal na pangunahing lipunan, at gumawa ng walang humpay na pagsisikap upang suportahan ang pang-ekonomiyang konstruksyon ng Pilipinas.
Hinimok nito ang mga bata na mag-aral ng mabuti dahil ang mga ito ay pag-asa at kinabukasan ng bansa.
“I hope you can study hard to learn cultural knowledge in order to serve the country in the future, give back to society and be wise in utilizing one’s talent. Caring for students and dedicating love to them is our unshirkable responsibility. As an organization, we are willing to work together with local community leaders to cultivate young students and the country’s outstanding talents, and make due contributions,” ang pahayag pa nito.
Sa panayam ay sinabi ni Mr. Huang na ito ang unang beses na nagdaos sila ng Christmas thanksgiving sa loob ng pitong taon nang kanilang pagkakatatag.
Maswerte naman, ayon kay Mayor De Leon, ang Taytay dahil ito ang napili ng mga negosyante na mabigyan ng mga regalo.