DAAN DAANG KATAO NAGBIGAY NG DUGO

NAGSAGAWA  ng City Wide Blood Donation drive ang pamahalaang lungsod ng Pasig.

Sa pamamagitan ng inisyatibo ng Office of the Vice Mayor, at sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross, ay naging matagumpay ang mass blood donation drive kahapon Marso 11, sa San Nicolas Covered Court sa lungsod.

Nasa 500 donors mula sa iba’t ibang mga barangay ng Pasig City at sektoral na grupo kabilang ang lokal na pulisya ang nakipag-ugnayan sa kaganapan.

Sa pagharap sa mga tao, sinabi ni Vice Mayor Dodot Jaworski na may malalim na personal sa kanya ang blood donation dahil sa kalagayan ng kanyang ama, ang Living Legend, at dating Senador Sonny Jaworski. “Mahalaga po sa akin ang inisyatibong ito, dahil alam ni’yo naman ang karamdaman ng aking ama.

Noong nangailangan siya ng dugo, ang sabi sa amin ay hindi puwedeng mag-donate kapag hindi pamilya, ang daming screening, pero hindi ako nakapasa. Kaya natin ginawa ang unang mass bloodletting sa Pasig kasama ang Red Cross, dahil ang ibinibigay natin sa araw na ito ay literal na buhay,” ani Jaworski.
Elma Morales