DAAN-DAANG MGA KASO NG HFMD NAITALA

NAKAPAGTALA  na ang Ilocos Region ng 677 na kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 12.

Ayon kay Department of Health Center for Health Development 1 Medical Officer Dr. Rheuel Bobis, 424 na kaso ng HFMD ang naitala sa Pangasinan; 200 sa La Union; 43 sa Ilocos Norte; at 10 sa Ilocos Sur.

Sa kabila nito, sinabi ni Bobis na wala pang naitatalang nasawi sa rehiyon dahil sa naturang sakit.

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na karaniwan sa mga bata at kabilang sa sintomas nito ay lagnat, at pagkakaroon ng pantal sa balat partikular sa kamay, bibig at paa.

Buwan ng Oktubre nang magbanta ang Department of Health (DoH) ng highly-infectious Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) makaraang mahawahan ang 100 bata sa Batangas.

Ayon sa Mayo Clinic, ang HFMD, ay sanhi ng coxsackievirus, na kasama ng virus ng polio na ang tawag ay enterovirus.

Maaring maihawa ito sa droplet ng taong infected, bukas na sugar o sa kanilang dumi.