DAAN-DAANG PUNONG-KAHOY NAKUHA SA BAHA SA CAGAYAN

baha9

MAGSASAGAWA ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Cagayan ng malawakang inventory sa drift-wood na nagkalat sa mga barangay partikular sa mga ilog na tinangay matapos na bumaha dulot ng malakas na pag-ulan.

Kaya nananawagan ang PENRO-Cagayan sa publiko lalo na sa mga barangay official na pansamantalang huwag munang ilabas o kaya galawin sa kanilang mga nasasakupang lugar ang mga nakuhang salvaged wood o mga punong-kahoy na siyang naging sanhi ng malawakang pagbaha sa kanilang lugar.

Pahayag ni Atty. Ismael Manaligod, PENRO Officer sa Cagayan, inatasan niya ang kanilang mga kawani ng nasabing ahensiya na magsagawa ng inventory upang malaman kung may katotohanan na nakarating sa kanilang tanggapan na umano’y may mga ile­gal na namumutol ng mga punong kahoy sa bulubundukin na siyang naging sanhi ng pagbaha sa Cagayan.

Samantala, naghigpit na ang pamunuan ng PENRO-Cagayan sa mga nagnanais na bumili ng chainsaw, na hindi lahat ay mabibigyan ng permit.

Ipinaliwanag naman ni Manaligod na hindi lahat ng mga gustong bumili ng chainsaw ay nabibigyan ng permit, kailangan ay may registered plantation o may mga itinanim na punong kahoy sa mga pribadong lupain bago mabigyan ng kaukulang permit ang kanilang chainsaw. IRENE GONZALES

Comments are closed.