DAAN libong rebel returnees, drug surrenderers, kabilang din ang indigenous peoples (IPs) mula sa Camp Darul Arqam at sa isang satellite camp ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lanao del Sur ang pagkakalooban ng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kabilang sa mga beneficiaries sa programang Skills Training for Special Clients ng TESDA, ay ang drug surrenderers, IPs, at rebel returnees kasama rin dito ang mga calamity-affected communities, inmates and dependents, persons with disability (PWDs), at family enterprises.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña, ang ahensiya ay magsasagawa ng paunang skills training sa mga bubuuing core group, na magmumula sa mga drug surrenderers, MILF, IPs na Higaonon, para sa mga kursong nais nilang matutunan.
Sa paunang bilang na pagkakalooban ng skills training, may 1,800 ang mula sa drug surrenderers, 2,000 na MILF rebel returnees at 1,000 IPs na Higaonons.
Kabilang sa mga kursong gustong kunin ng mga ito ay agriculture, agri-crop production, small engine mechanic, baking, car-pentry, food processing, fabrication, welding, machinery at iba pang kurso sa konstruksiyon.
Ayon kay Lapeña, inaasahang magsisimula ang training sa darating na buwan ng Marso sa pinakamalapit na mga TESDA Training Center sa Cagayan de Oro at Iligan City. Kasalukuyan na umanong binubuo ang work plan para sa nasabing programa. BENJARDIE REYES
Comments are closed.