TATLONG tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang inalis sa puwesto,17 ang nasuspinde, 19 ang na-relieved habang 721 ang na-reshuffled dahil sa katiwalian nitong nakalipas na taon 2021.
Batay sa record ng BOC 1,153 kawani ang pinadalhan ng show cause order noong 2021, kung saan ilan sa mga ito ang na-dismiss, nasuspinde, inalis at inilipat sa ibat-ibang puwesto.
Sa kasalukuyan, 133 personnel ang sumasailalim sa imbestigasyon at 44 Naman ang may mga kasong administratibo sa Bureau of Customs Legal Services.
Ayon sa report, 14 na empleyado ng BOC ang kinasuhan sa National Bureau of Investigation (NBI),apat naman sa Ombudsman sa tulong ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), BOC-PACC Command Group at ng BOC’s Anti-Corruption Coordinating Committees.
Samantalang kinondena ng ilang port users ang balitang ito, sapagkat tila anila may pinoprotektahan ang BOC dahil itinago ang mga pangalan ng mga natanggal, nasuspinde at na-reprimand na mga kawani.
Maging ang mga kinasuhan hindi rin ibinunyag ang mga pangalan sa hindi malaman na kadahilanan, ayon sa mga kritikong port users sa Aduana at sa Manila International Container Port (MICP).
Anila kung talagang sinsero ang BOC sa kanilang kampanya laban sa katiwalian ay ilabas ang mga pangalan ng mga ito upang maniwala ang publiko sa kanilang ipinaglalaban. FROILAN MORALLOS