TINATAYANG aabot sa mahigit sa 430,000 customers ng Meralco ang apektado ng biglaang pagkawala ng suplay ng koryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.
Ito ay matapos na maapektuhan ang linya ng mga koryente ng malakas na hangin dulot ng bagyong Ompong.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, may ilang mga punong kahoy ang sumabit sa mga kawad ng koryente na siyang naging dahilan ng power outage.
Hindi naman masabi ni Zaldarriaga kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng koryente dahil nananatiling malakas ang ihip ng hangin sa ilang mga lugar.
Pahirapan din ang repair sa mga sirang linya dahil lubog sa baha ang ilan sa mga lugar ng kanilang mga customer.
Kasabay nito, umapela rin sa publiko si Zaldarriaga na huwag pakialaman ang mga linya ng koryente dahil ito ay mapanganib at baka makoryente.
Comments are closed.