DAANG PAMILYA SA ISABELA INILIKAS DAHIL SA PAGBAHA

rescue

ISABELA-NAGSASAGAWA na ng malawakang preemptive evacuation sa daan-daang pamilya sa Northern Isabela dahil sa nagaganap na pagbaha dulot ng mga matinding buhos ng ulan.

Sa nakalap na impormasyon, patuloy ang  pagmomonitor ng pamahalaang Lungsod ng Ilagan sa nararanasang pag-ulan at sa talaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay nasa 181 na pamilya mula sa ibat Ibang barangay ang inilikas.

Napag-alamang sa bayan ng Sta. Maria, Isabela, tinatayang 32 na pamilya o 114 indibiduwal na mula sa mga Barangay ng Quinagabian, San Rafael East, San Rafael West at Mozzozzin Sur ang kusang loob na nagtungo sa evacuation center ng Municipal Gym sa Poblacion 1, Santa Maria, Isabela.

Habang labing siyam na pamilya o anim napu’t apat katao naman ang inilikas sa Community Center  sa Barangay Poblacion na nagmula sa Barangay Guminga, San Pablo, Isabela.

At sa bayan ng Cabagan, Isabela ay pitumpu’t anim o mahigit sa dalawang daang katao na mula sa flood prone areas na pamilya ang nasa evacuation center.

Samantala nasa apat na pamilya ang nasa evacuation center ng San Antonio National High School sa Delfin Albano, Isabela at sa bayan din ng Tumauini, Isabela ay nasa 19 pamilya o 102 katao ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers.

Gayunpaman, bukod sa mga pulis na itinalaga sa evacuation centers ng mga LGU sa Northern Isabela ay mayroong mga kasapi ng health cluster na susubaybay sa kalusugan ng mga evacuees upang tiyakin na maipatupad ang health protocols kontra COVID-19. IRENE GONZALES

Comments are closed.