LIGTAS ang mga Dabarkads, dahil wala na sila sa Tel Aviv nang mabalita na nagkaroon daw ng missiles attack from Gaza sa Tel Aviv, isa sa city ng Israel. Nag-post na sila na nasa Church of the Anunciation na sila sa Capernaum.
Ang group ay binubuo, sa pangunguna ng big boss ng “Eat Bulaga,” Mr. Antonio P. Tuviera and his wife, mga executives ng EB like Malou Choa-Fagar, Jenny Ferre, at ang Dabarkads ay sina Vic Sotto and wife Pauleen Luna-Sotto, Joey de Leon and wife Eileen, Allan K, Wally Bayola, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Luanne Dy, Ryzza Mae Dizon and her mom, Maine Mendoza and Alden Richards. Kasama nila si Fr. Jeff Quintela, as their pilgrim’s priest.
Hindi nakasama si Ruby Rodriguez dahil hindi niya kakayanin ang maglakad dahil sa knee injury, si Jose Manalo naman ay may travel ban pa rin. Huling dumating sa Holy Land si Alden last Wednesday morning, dahil nagkaroon pa pala ito ng look tests para sa movie nila ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Productions, Inc.
Blessed si Ryzza Mae dahil doon pa naganap ang kanyang First Communion, sa Stella Maris Church in Haifa, Israel.
Susunod na nilang pupuntahan ang Jerusalem, then sa Bethlehem. Ang dami pa nilang pilgrim sites na pupuntahan, like ‘yung baptism ni Jesus Christ sa Jordan River, ang Via Dolorosa sa streets ng Jerusalem going to Mount Calvary at sa Bethlehem, sa place of birth ni Jesus Christ. Dabarkads, be blessed!
KEN CHAN AT RITA DANIELA PATOK ANG TANDEM BILANG BOBREY
HINIHINTAY ng mga netizens ang nalalapit nang pagtatapos ng top-rating GMA Afternoon Prime drama series na “My Special Tatay” (MST) ni-na Ken Chan at Rita Daniela. Goose pimples daw ang feeling ng bagong love team na tinawag na BoBrey (for Boyet and Aubrey), kapag nagkakaroon sila ng mall show sa malalayong lugar ng bansa, pero laging dumog ang mga taong pumupunta sa kanilang show.
Iyon daw naman ang concern nina Ken, Rita at production team ng “MST’ na mapaabot sa mga tao ang concept ng kanilang serye. Ano ang pa-kiramdam nila ngayong pinupuri at nagugustuhan ng mga tao ang MST?
“Sobra po ang pasasalamat ko sa kanila,” sabi ni Ken. “Kung noon pong ibinigay sa akin ng GMA ang “Destiny Rose,” nabuksan po ang bagong pintuan sa akin, pero nang gampanan ko ang role ni Boyet na may mild autism, hindi lamang pintuan ang nagbukas, pati bintana ay nabuksan. Nagkasunud-sunod po ang pagtanggap ko ng awards, at may coming concerts kami ni Rita. Marami pong nakikipag-usap sa akin na mga mothers na tulad ng nangyari sa amin ng nanay kong si Isay (Lilet) ang nararanasan nila. Single mother din siya at five years old ang anak niya, naging inspirasyon daw nila kami. Kaya kami rin post production, maingat sa mga eksenang magiging negative ang dating ni Boyet.”
“Ang sarap po sa pakiramdam na importante ka sa mga nakakausap mong tao,” sabi naman ni Rita. “Hindi ko po alam nang tanggapin ko ang role ni Aubrey ay ganito ang magiging dating sa televiewers. Maraming opportunities na dumarating at nakaka-reach out kami sa mga tao. Hindi ko na nga alam na ‘Rita’ ang name ko dahil kahit saan ako pumunta, ‘Aubrey’ ang tawag nila sa akin.”
Ngayon ay nasa last three weeks na ang serye na napapanood pagkatapos ng “Inagaw Na Bituin.”
Comments are closed.