TINIPON ng Design Advisory Council (DAC), na kasamang pinamumunuan ni Trade Secretary Ramon Lopez ang kanilang unang miting kamakailan para pag-usapan ang pagpaplano ng isang pambansang istratehiya para mapahusay ang product design sa bansa at nang sa ganun ay matulungan ang pagpapaniba at paglago ng ekonomiya.
Layon ng National Design Policy na gamiting ang design concepts para mapalago at maglinang ng makabagong industriya sa pandaigdigang merkado. Sinabi ni Sec. Lopez na ang istratehiyang ito ay makaeengganyo sa mga Filipino na lumikha ng maayos na disenyo ng produkto na puwedeng makipagkompetensiya sa lokal at international na merkado, na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ni Sec. Lopez ang importansiya ng disenyo at inobasyon sa solusyon ng societal at national problems, sabay sabi: “The most meaningful designs, creative works, and innovations are those that solve social problems, not just design for design’s sake. We want to promote a culture of design and innovation that can serve as higher-value services that our country can be known for.”
Ang DAC ang advisory council ng Design Center of the Philippines (DCP), isang ahensiya sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI). Kinabibilangang ng siyam na public sector at anim na private sector na kinatawan. Ang grupo ay kasamang pinamumunuan ni Sec. Lopez para sa public sector at ni Architect Royal Pineda of Budji+Royal Architecture+Design para sa private sector.
Noong miting, nag-set ang DAC para makapagporma ng Technical Working Group para magplano ng National Design Policy. Sinabi ni Sec. Lopez na ang polisiyang ito ay may adhikain na gawing ang Philippines ay katumbas ng excellent design.
Para makakuha ng insights sa best practices, inimbitahan ng DAC si Danish Ambassador sa Filipinas na si PH Jan Top Christensen para magbahagi ng Denmark Design Policy at kung paano ang Filipinas makakapagplano o makapagdidisenyo ng kanilang sariling design strategy.
Ang iba pang DAC members na naroon sa miting ay sina CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan, DCP Executive Director Maria Rita O. Matute, Adobo Magazine Founder and Editor-in-Chief Angel Guerrero, French Baker Founder at CEO Johnlu Koa, at Tokyo Tempura Chief Marketing and Finance Officer Jenny Wieneke.