DAD TIPS SA PAGHAHANDA NG MASUSUSTANSIYANG PAGKAIN

SA panahon ngayon, hindi lamang mga nanay ang nagluluto at naghahanda ng masusustansiyang pagkain para sa buong pamilya. Maging ang mga tatay ay maaari na ring pagkatiwalaan sa kusina sa paghahanda ng masasarap at masusustansiyang putahe.

Importante nga naman ang pagtutulungan ng mag-asawa para mapangalagaan ang kanilang pamilya at mapalaking mabuti ang mga anak. At kung ang mga tatay nga naman ay puwede nang mapagkatiwalaan sa kusina, ang mga nanay rin naman ay tumutulong sa paghahanapbuhay para sa buong pamilya.

Mahalaga nga naman ang pagtutulungan para masigurong healthy ang bawat pamilya. Ngunit, ano-ano nga ba ang paraan ng isang ama sa paghahanda ng masusustansiyang pagkain?

Pagpaplano ang isang paraan para makapaghanda ng masarap at masusustansiyang pagkain. Dahil diyan, nagbigay ng tatlong tips ang Beko para masigurong hindi lamang masarap ang ihahandang pagkain ng bawat ama ng tahanan kundi masustansiya rin ito at kahihiligan ng buong pamilya:

MAG-CREATE NG MEAL PLAN

Importante ang paggawa ng plano sa mga ihahandang pagkain. Hindi nga naman madali ang pag-iisip ng pagkain o putaheng ihahanda sa mga mahal sa buhay. Hindi rin basta-basta ang paghahanda ng pagkain sapagkat kailangang maiibigan ito ng iyong paghahandaan.

Sa pag-iisip ng ihahandang pagkain, isa sa malaki o palaging nagiging problema ang kakulangan sa pagpaplano. Organization is key.

Maaaring pag-usapan ng buong pamilya ang mga ihahandang pagkain. Sa paggawa ng meal plan, malalaman mo kung ano-anong pagkain ang iluluto mo. Sa pamamagitan din ng meal plan, hindi kayo mahihirapang mag-isip ng mga lulutuin.

Isa rin sa mainam gawin ay ang paglilista ng mga recipe  na swak sa buong pamilya. Dahil dito, wala nang kahirap-hirap ang paghahanda ng masarap at masusustansiyang pagkain.

BONDING OVER FOOD

Nakatutuwa ang paghahanda ng pagkain lalo na kung gagawin ito kasama ang buong pamilya. Magandang oportunidad ito upang maka-bonding ang buong pamilya lalong-lalo na ang mga anak.

Sa pag-iisip ng recipe, maaaring piliin ang mga kinahihiligan ng inyong mga anak gaya ng pizza, cake at pasta. Sa paggawa naman ng mga nasabing pagkain, maaari silang pa­tulungin. Nakapag-bonding na nga naman kayo, natuto pa silang magluto at nag-enjoy pa.

Magandang paraan upang makapag-create ng positive at nurturing environment ang bonding over food.

UNDERSTAND NUTRITION

DAD-3Kapag nasa eskuwelahan ang ating mga anak, mahirap ding matiyak o malaman kung nakukuha ba nila ang tamang nutrisyong kailangan ng katawan. Kaya napakaimportanteng sa paggawa ng kanilang pambaon, siguraduhing mayroong itong gulay at prutas. Samantalang iwasan naman ang pagpapabaon ng mga pagkaing mataas ang sugar, salt at fat.

Kung mamimili naman, iwasan din ang pagbili ng junkfood. Sa ganitong paraan ay mailalayo mo ang iyong mga anak na makahiligan ang ganitong uri ng pagkain.

Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay nagsisimula sa tahanan. At bilang magulang, maaari tayong makapag-build ng solid foundation para sa healthier eating choices. Isang paraan nga ay ang pag-iimbak o paglalagay ng fresh ingredients sa fridge upang makagawa ng healthy at delicious meals. At para naman mapanati­ling fresh ang mga pagkain, kailangan ng refrigerator na mayroong tamang features. Isa sa magandang choice ang Beko Refrigerator. Mayroon itong NeoFrost Technology na tumutulong upang ang humidity nito ay mapanatiling nasa optimum level ng hanggang 90 percent. Madali ring lumamig ang cooler at freezer compartments sa A+ energy efficiency level. Ang independent cooling system nito ay nakatutulong naman upang maiwasan ang paglipat ng amoy sa mga compartment at napananatili ang quality ng hangin sa maximum levels.

Bilang karagdagan, ang Light Technology nito ay tumutulong upang mapanatili ang natural flavors at nutritional value ng fresh produce ng hanggang 30 na araw.

Napakahalaga nga naman ng paghahanda ng masusustansiyang pagkain para sa pamilya.

 

Comments are closed.