HINDI natinag si Vice President Leni Robredo kahit inakusahan ni Davao City Mayor Sarah Duterte na “politicking” sa 2022 election ang dahilan ng pagpuna nito sa mataas na COVID cases sa Davao matapos mangako na dadalhin ng Office of the Vice President ang COVID Vaccine Express Program sa Visayas at Mindanao bilang tugon na rin sa tumataas na kaso sa rehiyon.
Ang aksiyon ni Robredo ay tugon sa naging apela ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na palawigin ng bise presidente ang drive-through vaccination program niito sa Visayas at Mindanao na nakararanas ngayon ng paglobo ng COVID-19 cases.
Sa isang twitter post ay agad na nagpasalamat si Rodriguez sa mabilis na pag-aksiyon ni Robredo.
“We need your project here in CDO to vaccinate more people. We need much help that we can get for my constituents in Cagayan de Oro City,” nakasaad sa tweet ni Rodriguez.
Sa nasabing twitter thread ay sumagot din si Senador Panfilo Lacson na natuwa sa naging palitan ng aksiyon ng dalawang opisyal.
Ang apela ni Rodriguez na mula sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) kay Robredo ay kasunod na rin ng pinakahuling OCTA Research findings kung saan tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa COVID.
Nabatid na sa unang araw ng Vaccine Express initiative ni Robredo sa Maynila ay nasa 2,275 tricycle, pedicab at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod pa sa P500 fuel incentive at nakatakdang isunod naman ang mga vendor.
Matatandaan na nagkaroon ng alingasngas kamakailan sa pagitan nina Robredo at Mayor Duterte nang masamain ng huli ang advice ng Pangalawang Pangulo na pag-aralan ng Davao City ang Covid approach ng Cebu City.
Ani Robredo, mas malaki ang populasyon ng Quezon City subalit nangunguna ang Davao City sa LGUs na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.
“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” nauna nang pahayag ni Mayor Duterte kung saan tinuran pa nito na kulang sa pang- unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.
738705 411804Thank you for your data and respond to you. auto loans westvirginia 943751
23710 950939I would like to see more posts like this!.. Fantastic weblog btw! reis Subscribed.. 799419
914541 33898You produced some decent points there. I looked on the net for any issue and located most individuals goes along with together with your site. 54866
628025 400043What is your most noted accomplishment. They may possibly want good listeners rather than good talkers. 795507