DADALO SA PHIL ARENA SASAKAY NG BUS — MMDA

Phil Arena

PINAYUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang may 22,000 na inaasahan nilang dadalo sa pagbubukas ng Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 na sumakay na lang ng bus upang maibsan ang trapik.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, nasa may 130 buses ang kanilang binigyan ng special permit sa Sabado upang magsakay ng mga pasahero papuntang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon pa kay Pialago na 70 percent ng mga bus ay mag-uumpisa na kanilang biyahe mula sa Trinoma shopping mall na ang magiging pamasahe lang ay nasa P100 subalit ang mga manggagaling naman sa PITX ay magiging P150 ang pamasahe.

Pahayag pa ni Pialago, ang organizing committee para sa Philippines’ SEA Games hosting ang PHISGOC ay magpapakalat ng 10 bus na libre para sa may mga ceremony ticket sa pagbubukas ng SEA Games.

Dagdag pa nito, nakatakda ring magpulong ang inter-agency upang isapinal ang mga plano para sa traffic management sa 30th edition ng biennial games.

Ayon kay Pialago, ang mga sumusunod na traffic measures, ang hindi pinapayagan ang mga sale event tuwing weekend sa mga mall sa EDSA ngayong weekend; ang pagpapatupad ng “stop-and-go” scheme na ang mga regular vehicles ay pahihintuin upang pagbigyan ang official convoys.

Gayundin, ang mga Highway Patrol Group (HPG) ang magbibigay ng escort sa official convoys at may mahigit na 2,000 kawani ng MMDA ang  naka-deploy sa buong panahon ng paglalaro ng mga atleta.

Dagdag pa nito, na ang fast lane o hindi kaya ang mga innermost lane sa North Luzon Expressway ay itinalaga na gagamitin ng mga official convoys pati na rin ang paglalagay ng 2 special toll gates sa Balintawak.

At ang mga kalsada naman sa paligid ng Rizal Memorial Sports Complex na isasara ay ang mga sumusunod: P. Adriatico mula President Quirino hangang Pablo Ocampo sa parehong direksiyon at ang Pablo Ocampo mula Taft Avenue patungong Adriatico sa westbound.

Sa rekomendasyon na rin ng MMDA, ang klase sa mga sumusunod na paaralan na suspendido mula December  2 hanggang 7 ay ang De La Salle University, De La Salle College of St. Benilde, St. Scholastica’s College, at Arellano University School of Law-Manila at mula naman December  2 hanggang 6 ay ang Poveda at St. Paul College sa Pasig. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.