NAGPUPURSIGE at nagsasakripisyo, iyan ang mga ama ng tahanan. Pero hindi lamang pagtatrabaho ang dapat nilang pagtuunan ng pansin dahil kailangan din nilang makapag-relax at magsaya. At isang maganda at masayang handog para sa mga ama ng tahanan ang gagawing selebrasyon ng Araneta Cen-ter sa June 17 sa pagdiriwang ng Father’s Day.
Tinawag ang event na “Dads on the Go,” na isang nakatutuwang araw na mayroong mga masayang ak-tibidad para sa ama at buong pamilya. Ang special guest sa event na ito ay ang actor at PBA legend na si Benjie Paras. Ang ama ng rising basketball stars na si Andre at Kobe na kung saan ay humulma rin ng role ng pagiging ama sa telebisyon gaya ng “Wansapanataym: That’s My Toy, That’s My Boy,” “Na-thaniel,” “Wang Fam,” at “Got to Believe.”
Isasama ni Benjie paras ang kanyang dalawang mas batang anak na sina Sam at Riley para makipaglaro sa iba pang participants sa Gateway Mall activity area na magsisimula ng ala-una ng hapon.
Ilan sa fun games ay ang dart football at relay.
Sa minimum na P500 single-purchase receipt, maaari nang sumali ang ama at anak nito sa nasabing ak-tibidad at puwede pang manalo ng exciting prizes gaya ng sapatos at sports gear.
MAGING HERO NGAYONG FATHER’S DAY
Ngayong araw, Hunyo 16 ay maaaring tumulong sa mga batang iskolar ang mga tatay, nanay at maging ang mga anak sa Araneta Center at J. Amado Araneta Foundation’s (JAAF) “We Row For HERO” sa Gateway Mall activity area.
Mula 1 p.m. hanggang 4 p.m., ang rowing machine ay magiging available sa 150 volunteers para magamit ng isang minuto. Kada minuto, kapalit nito ay pera sa Araneta Center at JAAF na ido-donate naman sa HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foundation.
Ang HERO ay nagpo-provide ng educational assistance sa mga bata ng fallen soldiers mula 1988. Mula noon, ang nasabing organisasyon ay nakapagsuporta na sa pag-aaral ng mahigit na 2,000 kids sa tulong na rin ng partner nito gaya ng JAAF.
Ang karamihan sa bagong iskolar ngayong taon ay anak ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi noong nakaraang taon.
Ang volunteers sa nasabing event ay makatatanggap ng gift certificate sa Anytime Fitness.
Comments are closed.