DAGDAG 1,809 BAGONG FILIPINO ARCHITECTS

MAYROONG bagong 1,809 licensed architects ang bansa makaraang makapasa ang mga ito sa January 24 and 26, 2024 Licensure Examination for Architects, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Labingwalong architecture graduates ang topnotchers sa nasabing pagsusulit.

Sa inilabas na resulta ng PRC, si Sherilyn Reyes Baniago ng University of the East- Caloocan, ang mayroong pinakamataas na grado na 85.50.

Sumunod naman sina Jearlene Daleon Lipa ng Manuel S. Enverga Foundation University Lucena City at Julian Aldrin Claudio Medina ng De La Salle University Dasmarinas na may score na 85.30.
Pangatlo si Kryzia Marizela Villaver Ortiz ng University of the Philippines-Diliman na may gradong 84.70.

Pang-apat si Franchesca Tabobo Lopez ng University of Sto. Tomas, 84.40.
Panlima ang mga taga-UST na sina Nicole Karl Erika Aunario at Andrea Marie Mauhay Ugay, 84.30.

Ang 6th placers ay sina Jene Miguel Carillo Macam, UST at John Fitz Gerald Labro Pinca ng Polytechnic University of the Philippines-Sta.Mesa, 84.20.

Taga-UST at UP-Diliman ang top 7 na sina Angel Lyn Buensuceso Balastigue at Andrew John Pagkatipunan Reyes, 83.60.

Mula naman sa Saint Lois University ang top 8 na si Ian John Lacatan Lolong, 83.50.

Habang tatlo ang 9th placer at sila ay sina Chester Neil Dichoso Cunanan, UP-Diliman; Jethro Albior Oftana ng Eastern Visayas University For LIT Tacloban at Regina Rose Larracas Sena ng DLSU Dasmarinas, 83.20.

10th placer sina Angela Beatrice Lagunilla Badiola ng UP-Diliman, Tristan Jerome De Leon Carreon ng Bulacan State University, at Benedict Salvador Fernandez mula sa PUP-Sta. Mesa na may gradong 82.90.

Sa datos ng PRC, kabuuang 2,983 ang kumuha ng pagsusulit.
EUNICE CELARIO