DAGDAG 30% SUWELDO NGAYONG EDSA DAY

DOLE_LOGO

MAYNILA – PINA­ALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa bansa kaugnay sa pay rules na ipinatutupad ngayong Pebrero 25, na deklaradong special non-working holiday dahil sa paggunita ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa inisyung Labor Advisory No. 3 (Series of 2019), ng DOLE, nabatid na ipapatupad nila ang ‘No work, no pay’ policy para sa mga manggagawang hindi papasok sa trabaho sa nasabing araw.

“If the employee did not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on special day,” anang DOLE.

Ang mga manggagawa naman na papasok sa trabaho sa nasabing special non-working day, ay makatatanggap ng karagdagang 30 percent ng kanilang daily rate sa unang walong oras ng trabaho habang ang mga mag-o-overtime ay tatanggap ng karagdagan pang 30 percent sa kanilang hourly rate para sa nasabing araw.

“For workers who went to work during the special non-working day that also falls on the employees’ rest day, they shall be paid an additional 50 percent of their daily rate on the first eight hours of work,” paliwanag pa ng DOLE.

Kung mag-overtime pa ang empleyado sa araw ng kanyang pahinga ay tatanggap din siya ng karagdagan pang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.

Hinikayat naman ng DOLE ang mga employer na obserbahan ang naturang pay rules sa pagpapasuweldo sa kanilang mga empleyado. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.