DAGDAG 5K ALLOWANCE SA SENATE EMPLOYEES

Senate President Vicente Sotto III

MAKATATANGGAP ng karagdagang P5,000 monthly allowance ang mga rank and file employee ng Senado para sa kanilang groceries at transportasyon dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho.

“Upang maipakita ng liderato ng Senado ang pagkilala sa inyong dedikasyon at kasipagan sa trabaho at bilang pag-unawa sa mga sitwasyong dulot ng epekto ng pagtaas ng mga bilihin,” ani Senate President Vicente Sotto III sa flag raising ceremony.

“I would like to announce that we have considered the request of the SENADO union for an increase in the grocery and transportation expense allowance … in the additional amount of P5,000, effective July 1, 2018, rank and file only,” dagdag pa ni Sotto.

Nangyari umano ang desisyon matapos ang pag-aaral sa pondo ng Senado.

“Upon consultation and based on the recommendation also of our chairman of the committee on accounts, Senator Ping Lacson, upon studying our financial and budgetary situation, we have decided to give an increase,” giit ni  Sotto.

Ayon kay Sotto, ginawa ang request ng union bago pa maging batas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

“Hindi naman directly siguro. Kung tumataas ang mga presyo, hindi natin maiiwasan na tulungan ang mga emple­yado natin… makadag­dag na lang ‘yun kasi matagal na nilang hinihiling ito, wala pang TRAIN,” pahayag ng senate president.

Matagal na umanong hiniling ng union na mataasan sila ng allowance.  VICKY CERVALES

Comments are closed.