MAKARAANG itaas ang chalk allowance ng mga guro noong mga nakalipas na taon, isinulong ni Senadora Loren Legarda ang special allowance sa public school teachers sa ilalim ng 2019 national budget.
Itinulak ni Legarda, chair ng Senate Committee on Finance, ang paglalaan ng karagdagang P800 million sa ilalim ng budget ng Department of Education (DepEd). Ang nasabing alokasyon ay ipagkakaloob sa public school teachers, P1,000 kada guro, tuwing World Teachers’ Day sa October 5, bilang insentibo o honorarium.
Ayon kay Legarda, layunin nito na mabigyang-diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa paglinang sa mga kabataan.
“We cannot overemphasize the importance of our teachers. They are our unsung heroes who dedicate their lives to mold the minds of the Filipino youth. They also do other duties for our country by assisting during the elections and aid the Philippine Statis-tics Authority in gathering data from households across the country,” ani Legarda.
“We must advance the social, economic, and professional status of our teachers, who face day-to-day challenges in our educa-tion system. It is only fair that the men and women behind our successes receive the benefits and incentives they deserve,” dagdag pa niya.
Sa mga naunang budget ay sinuportahan din ni Legarda ang pagtataas sa chalk o cash allowance ng mga guro.
Noong 2015, ang chalk allowance ng mga guro ay itinaas sa P1,500 mula sa P1,000. Itinaas naman ito sa P2,500 at P3,500 noong 2017 at 2018, ayon sa pagkakasunod.
Comments are closed.