DAGDAG-AWTORIDAD SA DTI VS PEKENG PRODUKTO

BAGAMAN marami nang ginagawa ang pamahalaan upang proteksyonan ang mga consumer, mayroon pa ring kulang sa kanilang awtoridad.

Ito ay kasunod ng mga reklamong marami pa rin ang nabibiktima ng pekeng produkto na nabibili sa online.

Ang mahirap nito, kapag nai-deliver na ang palyadong produkto ay mula pa sa ibang bansa at wala namang bodega rito.

Kaya hamon ito sa DTI at ipinaliwanag na tali ang kanila9ng departamento para pigilan ang paglaki ng bilang ng nabibiktma ng peke at palyadong produkto lalo na ang electric appliances, ay dahil ang mga consumer anila ay direktang umoorder sa foreign online shop.

Kung mayroon mang local distributor, doon umoorder ang online shopper  na siya naman nakikipag-coordinate sa foreign shop at hindi na rin dumadaan sa quality control ang mga produkto.

Kaya hindi na dumadaan sa DTI ang produkto dahil wala naman silang local warehouse sa Pilipinas.

Kaya naman hiling ng ahensiya sa mga local manufacturer na tulungan sila para matukoy ang distributor ng mga foreign products.

Sa pagsalakay naman nila sa bodega ng distributor, dapat anilang bigyan sila ng awtoridad na makapasok upang magsiyasat sa mga produkto.

Sa ngayon kasi walang awtoridad ang ahensiya na basta pumasok sa pasilidad lalo na’t private owned ang mga ito.