DAGDAG-BAWAS SA OIL PRODUCTS INANUNSIYO NA NG ILANG OIL COMPANIES

Gasolina

ISA-ISA nang nag-aanunsiyo ng price adjustment ang mga kompanya ng la­ngis.

Dagdag-bawas ang mangyayari dahil tataas ang presyo ng gasolina samantalang bababa naman ang presyo ng diesel.

Sa October 15, tataas ng P0.25 ang kada litro ng gasolina samantalang bababa naman ng P0.10 ang kada litro ng diesel ng Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Seaoil at ang Shell.

May rollback ding P0.40 sa kerosene ang Shell.

Samantala, Miyerkoles, Oktubre 16, naman epektibo ang sa Clean Fuel Stations, ganap na 6 AM.