DAGDAG-BAWAS SA PETROLYO

PETROLYO

AASAHAN na naman sa susunod na linggo ang oil price hike. Ito na ang ikatlong pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Tinatayang tataas ang diesel ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro. Ang gasolina naman ay P0.10 hanggang P0.20/litro.

Kung may taas ng presyo sa diesel at gasolina, may nakaamba namang rollback sa kerosene na P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Sa kabila nito, nag-anunsiyo naman ang Shell na simula Agosto 25 ay daragdagan ng P0.25 kada litro ang diskuwento sa diesel ng mga public utility jeepneys o PUJs na magiging epektibo sa mahigit kalahati ng kanilang gas stations sa buong bansa.

Bukod pa ang ibibigay na diskuwento sa dati nang P1 sa ilang piling gasolinahan.

Comments are closed.