MAY paggalaw ulit sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso, magkakaroon ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene pero may taas-presyo naman sa gasolina.
Simula sa Martes, bababa ang presyo ng diesel ng P0.40 hangang P0.50 kada litro, habang ang kerosene ay may bawas-presyo na P0.30 hanggang-P0.40 kada litro.
Maglalaro naman sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina.
Nauna nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum kahapon ng alas-12 ng tanghali.
Ayon sa kompanya, nasa P0.40 ang bawas sa kada litro ng kanilang diesel, habang wala namang naging paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.
Paliwanag ng mga taga-industriya, humina ang pangangailangan sa diesel sa buong mundo kaya bumaba ang presyo nito habang lumakas naman sa gasolina kaya nagmahal ito.
Nakatulong din umano ang paglakas ng piso laban sa dolyar kaya nagkaroon ng tapyas-presyo sa diesel at kerosene. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.