DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO-18

INANUNSIYO kahapon ng Petron Corp. ang adjustments sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula sa susunod na linggo.

Sa isang advisory, sinabi ng Petron na may dagdag-presyo sila na P0.85 sa kada litro ng gasolina.

Tatapyasan naman ng oil company ang presyo ng kanilang diesel at kerosene ng P0.15 kada litro at P0.10 kada litro, ayon sa pagkakasunod.

Ang fuel price adjustments ay epektibo sa alas-6 ng umaga sa Martes, Nobyembre 12.

Ayon sa Petron, ang adjustments ay bunga ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), year-to-date, ang adjustments sa mga produktong petrolyo ay P5.06 kada litro para sa gasolina, P3.67 kada litro para sa diesel, at P0.86 kada litro para sa kerosene.

Comments are closed.