DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO-18

MAY rolbak sa presyo ng gasolina habang may pagtaas naman sa kerosene simula ngayong araw.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at ng  SEAOIL Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng gasolina ng P0.10 kada litro habang tataasan naman ang kerosene ng P0.15 kada litro. Walang magiging pagbabago sa presyo ng diesel.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila itinitinda.

Epektibo ang paggalaw ng presyo ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na ipatutupad ang adjustments sa alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net decrease na P5.62 per liter para sa gasolina, P8.84 sa diesel, at P13.39 para sa kerosene hanggang noong ­Hulyo 7.

Comments are closed.