INAASAHANG may dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa August 25-31 trading week, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P0.20, habang ang presyo ng gasolina ay nagbabadyang tumaas ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nagpapatupad ng adjustments tuwing Martes.
Noong nakaraang linggo ay nagpatupad sila ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng gasolina ay nasa P41.60 hanggang P55.30 kada litro habang ang diesel ay mula P30.10 hang-gang P39.20 kada litro.
Ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P4.17 kada litro para sa gasolina at P8.69 kada litro para sa diesel.
Comments are closed.