SIMULA sa Martes, Agosto 11, ay magkakaroon ng rolbak sa presyo ng diesel at kerosene habang may dagdag-presyo naman sa gasolina.
Ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tinatayang tataas ng P0.20- P0.30, habang maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang magiging rolbaksa diesel.
Nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro naman ang itatapyas sa presyo ng kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina sa kasalukuyan ay nasa pagitan ng P41.30 at P54.45 kada litro, habang ang diesel ay mula P31.80 hanggang P39.30 kada litro.
Ang year-to-date price adjustments ay may net decrease na P5.02 kada litro para sa gasolina at P8.59 kada litro para sa diesel.
Comments are closed.