KAAGAD na tinugunan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kahilingan ni House Deputy Majority Leader and ACT-CIS party-list lawmaker Erwin Tulfo na dagdagan ang mga benepisyo ng mga kasapi nito, partikular sa diabetic patients.
Matapos ang kanyang pakipagpulong kay Tulfo kahapon (Mayo 28), ibinunyag ni PhilHealth Executive Vice President Eli Santos na kanilang masusing pag-aralan ang posibilidad na doblehin ng state-run health insurer ang subsidy nito para sa dialysis patients mula P2,600 ay magiging P5,200 per session na.
“Pag-aaralan po ng PhilHealth ang pag-increase nito to P5,200. Binigyan po kami ng one month [para rito]. Ang goal po natin is wala ng out-of-pocket itong dialysis patients,” sabi ni Santos.
Pinuna ni Tulfo na ang kasalukuyang subsidya ay hindi sapat.
“These shots (vials) are not always available in dialysis centers, so the patients seek help from a lot of people [to pay for them]. They go to the congressmen, mayors, and senators. These vials are covered by the P2,600, but since there are dialysis centers that do not have these vials, patients look elsewhere,” anang ACT-CIS party-list lawmaker.
Matagal nang nanawagan si Tulfo sa Philhealth na dagdagan ang mga benepisyo sa mga miyembro nito.
Matatandaan na noong 2022 ay nag-allocate ang Kongreso ng P80 billion sa Philhealth upang ma-subsidize ang premium ng mga indigent families, senior citizens at persons with disability. JUNEX DORONIO