UMAASA ang Kamara na marami ang mahihikayat na maging Science and Technology personnel ng gobyerno sa oras na maisabatas ang panukalang dagdag na benepisyo sa mga ito.
Positibo ang Kamara na sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga Science and Technology practitioners na magtrabaho sa pamahalaan matapos na maipasa at maratipikahan ng Kongreso.
Inaamiyendahan ng ipinasang panukala ang Republic Act 8439 o ang Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers, and other S&T Personnel in the Government.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng honorarium ang mga Science and Technology personnel na nagseserbisyo ng mahigit sa regular na workload ng mga ito.
Maaari ring mabigyan ng honorarium kahit ang mga non-DOST at DOST personnel na nakiisa sa mga aktibidad at pananaliksik patungkol sa science at technology. CONDE BATAC
Comments are closed.