DAGDAG-BUDGET SA PSC AT GAB NA-PAPANAHON

pick n roll

HINDI maikakaila na mabigat ang pasanin ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic. Maihahalintulad ang bilang ng mga kaso ng hawaan sa pinasikat na awitin ng ‘Sex Bomb’ na Spaghetting pababa at pataas, aws! Kalusugan, seguridad at kabuhayan ng mamamayan ang binigyang prayoridad ng pamahalaan simula nang pumutok ang pandemya noong nakalipas na taon.

Kabilang ang budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amuesments Board sa mga naapektuhan nang ibuhos ng pamahalaan ang lahat ng resources para matustusan ang lahat ng programa para maabatan ang pandemya – mula sa  pangangailangan ng mga medical frontliner hanggang sa pagbili ng mga kinakailangang bakuna.

Maituturing na dagok sa PSC at GAB ang 2020 sa aspeto ng budget na nailaan sa kanilang pamamahala.  Tulad ng matandang kasabihan,   ‘magtiis, mamaluktot, sa maigsing kumot’, gumalaw ang dalawang ahensiya nang walang kyeme, walang chubanese. Trabaho lang, ika nga.

At sa kabila ng  limitadong budget, buhos ang suporta sa ensayo ng atletang Pinoy at naitala ng PSC ang pinakamatagumpay na kampanya ng bansa sa Olympics – naiurong mula sa orihinal na petsa na 2020 —  nang masungkit ni weighlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya sa Tokyo Games nitong Hulyo. Humirit din ng silver medal sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam, habang bronze medalist ang middleweight fighter na si Eumir Marcial.

Sa panig ng GAB, kabuhayan ng atleta ang direktang naapektuhan sa pagkatigil ng mga liga, suspension ng mga laro, gayundin ang promosyon sa boxing at combat sports. Maging ang mga umaasa sa sabong at karera ay naisantabi. Ngunit sa hinay-hinay na pagbabalik ng aksiyon sa professional level, siksik, liglig at umaapaw ang ratsada ng mga sports na nag-organisa para maging professional. Buhay na buhay ang chess, taktak pawis ang 3×3, football, basketball at higit sa lahat ang Esports.

Bukod sa programang libreng medical test, nakabili ang GAB ng apat na bagong hematoma screening test machines na magagamit para maabatan ang posibleng pinsala sa utak ng mga boxers, combast sports fighter at iba pang atleta sa dikdikang labanan. Tunay na hayahay ang buhay atleta sa GAB sa kabila ng maliit na pondo. Hindi na nga raw kailangan pa ang magtayo ng bagong Boxing Commission. Ibigay na lang ang target na pondong P150 milyon sa GAB.

Sa impresibong programa na nagresulta sa tagumpay, nakatataba ng puso ang naging aksiyon at pagkakaisa ng Kongreso para mabigyan ng mas mataas na pondo ang PSC at GAB para sa taong 2022. Salamat sa mga sports-minded lawmakers na sina Sonny Angara, Joel Villanueva, Migs Zubiri, Will Gatchalian, Bong Go at Pia Cayetano.  Ang suporta ng mga mambabatas ay patunay sa pagkilala sa angking husay ng atletang Pinoy, Nawa’y madagdagan ang inyong hanay sa Senado.

Kabilang sa aprubadong P207 budget ng Senado para sa PSC ang pondong gagamitin para sa paghahanda ng mga atleta sa apat na major international competitions  — SEA Games sa Vietnam, Asian Games sa China, Youth Games at Martial Arts Championship.

Sa P140M budget na aprubado sa GAB, hindi pa rin kasama ang pensiyon para sa mga nagretirong atleta, partikular ang mga boxer na karamihan ay nasasadlak sa kahirapan at ni walang pambayad sa ospital sa panahon ng retirement.

Mas mabibigyan ng linaw ang usapin sa pensiyon kung may batas na maipapasa hinggil dito. Nananawagan si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra para sa mga atletang propesyunal. Huwag nang hintayin na magbalik pa sa Kongreso ang dating Palawan Representative para maisulong ang programang pensiyon..



(Para sa reaksiyon at suhestiyon, ipadala sa [email protected])

91 thoughts on “DAGDAG-BUDGET SA PSC AT GAB NA-PAPANAHON”

  1. 145963 178860Likely to commence a business venture around the refers to disclosing your products and so programs not just to individuals near you, remember, though , to several potential prospects more by way of the www often. earn dollars 435264

Comments are closed.