GAGAWA ng hakbang ang Department of Trade and Industry (DTI) upang mapangalagaan ang cement industry sa bansa, na naapektuhan ng pagsipa ng imports ng construction material sa mga nakalipas na taon.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, magpapalabas ang DTI sa Enero 12 ng mga hakbang na poprotekta sa cement industry.
Tumanggi naman si Lopez na idetalye ang nasabing mga hakbang subalit sinabing maaari itong kabilangan ng dagdag na duties sa imported cement.
“Assuming there will be duties, there will be a price ceiling which will determine when the duty will be suspended,” ani Lopez.
Sa datos ng DTI, ang cement imports ay tumaas nang husto noong 2014 hanggang 2017.
Ang year-on-year increases sa imports ay 70 percent noong 2014, 4,400 percent noong 2015, 550 percent noong 2016 at 72 percent noong 2017.
Pagdating sa market share, ang imports ay tumaas ng 15 percent noong 2017 mula sa 0.02 percent noong 2013.
“Imports are assuring kaya stable ang prices. But kung naapektuhan na ‘yung employment and industry output, ‘yan ang magiging problema natin—aasa na tayo sa imports at pababayaan ba natin na mamatay ang industriya natin,” anang kalihim.
Comments are closed.