DAGDAG EMERGENCY SIRENS SA BAHAIN NA LUGAR ISINULONG

EMERGENCY SIRENS

SOUTH COTABATO CITY – ISINUSULONG ng pamahalaang panlalawigang ito ang paglalagay ng karagdagang automated emergency sirens sa mga flood-prone na mga barangay sa lugar.

Ayon kay Milagros Lorca, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naisumite na nila sa Department of Science and Technology (DOST) ang paglalaan ng additional sirens sa lugar.

Sa naunang negosas­yon ng DOST-Region 12, sinabi ni Lorca  ang probinsiya ay posibleng masakop ng nasabing programa sa ikalawang bugso nito.

“The province already received 12 sets of automated sirens since last year after being included as among the priority areas,” ayon pa kay Lorca.

Nilinaw naman ng opisyal na kanila nang kinompleto ang pagka­kabit ng 11 units of sirens sa mga piling barangay sa  Koronadal City at siyam na iba pang munisipalidad. Da­­lawa sa nasabing mga lugar na na-set up noong Hunyo ay sa Barangay Saravia sa Koronadal City at sa Sitio Traan Leteng, Barangay Kematu sa T’boli town.

Tinukoy naman ni Lorca na prayoridad lagyan ng sirens ang Sitio Traan Leteng.

Ang automate sirens ay ginawa ng DOST, na solar-powered at awtomatikong tutunog kapag nagkakaroon na ng baha sa lugar kung saan maririnig ang 30-seconder voice announcement bilang signal o warning sa komunidad para magsipag-evacuate na ang mga residente. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.