DAGDAG HEALTHCARE FACILITIES TAPOS NA

NATAPOS na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng karagdagang healthcare facilities sa Iloilo City bilang bahagi at kontribusyon nito para sa kampanya laban sa COVID-19.

Ayon kay DPWH Secretary and Isolation Czar Mark A. Villar, kasama sa bagong pasilidad na matatagpuan sa Barangay Sooc, Arevalo sa Iloilo City ang quarantine /isolation facility para sa mga pasyente sa lugar at hiwalay na off-site dormitory para magagamit naman sa mga medical personnel.

Dahil sa karagdagang healthcare facility, maraming kaso ng COVID-19 sa distrito ang maililipat para sa mas maayos na akomodasyon .

May 16 air-conditioned rooms ang pasilidad na may isang kama, comfort room na makakatanggap ng 16 pasyente at mayroon din nurse station, nurses quarters at sanitation area.

Habang ang off-site dormitory ay may 16 air condition rooms na may 2 beds at comfort room na makaka-accommodate naman ng kabuuang 32 medical frontliners sa siyudad.

Pawang may mga generator set din ang mga pasilidad sa sandaling magkaroon ng power interruption at para sa sitwasyong emergency .

Samantala, lima pang healthcare facilities sa Iloilo City at Iloilo Province ang nakatakdang iturn-over ng DPWH sa local government units.

Kabilang dito ang quarantine/isolation facilities at off-site dormitories sa Lapaz, Iloilo City at sa Western Visayas Sanitarium sa Sta. Barbara, Iloilo; at off-site dormitories sa Dr. Ricardo Y. Ladrido Memorial District Hospital in Lambunao, Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, at sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo. PAUL ROLDAN

Comments are closed.