DAGDAG INVESTMENTS NAGPAPATULOY

DETERMINADO ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon pa ng dagdag na pamumuhunan para sa paglikha ng trabaho sa Pilipino.

Ayon kay Evariste Cagatan, Board of Investments (BOI) Executive Director for Investments Promotion Services, ang paghahangad ng pagtaas ng employment rate ang dahilan kaya patuloy ang panliligaw ng pamahalaan sa foreign at local investors.

“And patuloy po kaming nangangalap ng mga investment leads sa iba’t-ibang countries, local po and foreign investments para po magkaroon po tayo, makagawa po tayo ng mas marami pang trabaho dito sa Pilipinas,” ayon ka Cagatan.

Ibinida rin ng BOI official na naaprubahan na ang P463 billion na halaga ng investments sa unang quarter ng taon.

“This is already more than 40 percent of our original target for approval for the year na one trillion pesos,” ayon pa kay Cagatan.

Idiniin nito na itinatas ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang target sa 1.5 trillion.

Mayorya ng investments ay mula sa a renewable energy at sa manufacturing.

“And iyong renewable energy napaka importante po iyan sa panahong ito dahil nga gusto ho natin ng green economy. At saka iyong mga investors po ngayon, hinahanap nila kung saan sila puwedeng mag-invest wherein masasagot nila iyong kanilang ESG (Environmental, Social Governance) goals. So iyon po ‘yung offer ng Philippines na kung dito sila maglo-locate, we can help them and support their ESG goals because iyong RE energy is available here,” paliwanag ng BOI official.

Sinabi pa ni Cagatan na mismong si Pangulong Marcos ay nagmo- monitor ng investment pledges na kanyang nakuha mula sa mga foreign trips.

“So, patuloy po kaming nagtatrabaho para dumami pa iyong ating investment approvals, investment pledges ay maging totoo… Ang Pangulo po, talagang binabantayan niya, mino-monitor niya iyong mga pledges na ito na binigay sa kanya,” diin ni Cagatan.

“So tinitingnan namin ano ho iyong mga balakid or nagpapasagabal bakit hindi kaagad makapasok. So iyon ‘yung mga tinitingnan namin at tinutulungan ho namin iyong mga investors sa mga problema po nila,” ani Cagatan.

Batay sa ulat ng DTI at ng Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs, nakakuha ang Marcos administration ng USD4.349 billion (approximately P239 billion) worth of investments, sa kanyang paglabas sa bansa.

Sa nasabing investment projects, kabuuang USD29.712 billion (approximately Php1.7 trillion) ay nasa anyo ng memoranda of understanding (MOU) at Letters of Intent (LOI).

Nasa planning stage na rin ang kabuuang USD28.863 billion oPhp1.5 trillion worth of investment projects. EVELYN QUIROZ