TINATAYANG aabot sa 100 panibagong kaso ang inihahandang isampa ng Public Attorney’s Office (PAO) laban sa mga nasa likod ng malagim na sinapit ng mga kabataan dulot ng Dengvaxia vaccination.
Sa isang press briefing, partikular na tinukoy ni PAO Chief Atty. Persida Acosta ang mga sangkot sa kaso na sina Health Secretary Francisco Duque III at Iloilo Rep. Janet Garin.
Ani Acosta, damay sa panibagong kaso si Duque bunsod ng ipinagpatuloy nito ng pagpapaturok ng Dengvaxia sa mga kabataan noong siyay humalili bilang kalihim ng DOH.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 157 kasong naisampa na ng PAO at ito ay para sa 155 kabataang nasawi at dalawa naman para sa survivors ng vaccine.
Iginiit naman ni Dr. Erwin Erfe na kailangan nabg managot ang mga nabanggit na opisyal upang tuluyang mabigyan na ng hustisya ang mga kaawa-awang inosenteng kabataang biktima ng nasabing vaccine. BENEDICT ABAYGAR, JR.
847154 494431I like this internet site its a master peace ! Glad I detected this on google . 321257
865435 106787The very best and clear News is very significantly imptortant to us. 287916