Dagdag na 50% sa lahat ng benepisyo!

Mahal talagang magpagamot, kaya para matugunan ang gastusing medikal ng mga Pilipino ay muling itinaas ng PhilHealth ang Case Rate packages nito para sa libu-libong sakit at surgical procedures. Pinalaki ng 50% ang bene­pisyo ng mga miyembro simula January 1, 2025. Matatandaang nauna nang pinalawig ng 30% ang ACR pac­kages noong Pebrero ng nakaraang taon.

Batid ng PhilHealth ang alalahanin ng bawat isa sa tuwing nagkakasakit, lalo na sa pagkukunan ng pambayad sa ospital. Bilang administrator ng National Health Insurance Program, layunin ng ahensyang lubos na maibsan ang paghihirap ng bawat Pilipino sa pagpapatupad ng mga angkop na benepisyo na agarang magagamit sa mga PhilHealth-accredited health facilities.

Sumatotal, papalo sa 95% na ang itinaas ng mga pakete ng PhilHealth. Napakalaking increase ito para makasabay sa inflation at madagdagan ang suportang pinansyal ng PhilHealth sa pagpapagamot ng mga pasyente.

Mahigit 9K na pakete ng medical at surgical cases ang tumaas kabilang dito ang pakete para sa Typhoid Fever ngayon ay P19,500 mula sa da­ting P9,000 at Leptospirosis na dating P11,000 ngayon ay P 21,450 na!

Paalala lang, ang lahat ng mako-confine sa mga basic o ward accommodation ng pribado at pampublikong pagamutan ay dapat hindi na singilin ng karagdagang bayad pa. Ito ay kung ang pasyente ay hindi lalampas sa mini­mum standards ang mga serbisyong ibibigay sa kaniya. Anumang dagdag-bayad, kung meron man, ay dapat ipaliwanag mabuti sa pasyente para hindi magkagulatan sa bandang huli.

Hindi tumitigil ang ahensya sa pagpapabuti ng mga benepisyo at serbisyo nito para protektahan ang lahat sa mataas na gastusing kaakibat ng pagkakasakit. Kaya huwag nang matakot sa pagpapagamot dahil sagot kayo ng PhilHealth!

PAALALA

Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 50% adjustment, mag-login sa www.philhealth.gov.ph. Maaari rin kayong tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662-2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!

Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click-to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.

BALITANG REHIYON

Ang PhilHealth Local Health Insurance Office – Romblon ay nagsagawa ng Konsulta Activity sa Rural Health Unit San Andres Romblon